Martes, Enero 12, 2016


 Nung kami ay pumunta dito sa Pampanga ay talaga namang kamangha mangha ang lugar dito. Maganda ang klima at masayahin ang mga tao. Ang una kong pinutahan ay ang San Guillermo Parish Churh. Ito ay mataatgpuan sa Bacolor, Pampanga. Ito ay madalas nasalanta ng pagputok ng Mt. Arayat at paglindol. Marami ditong mga imahe at istatwa ng mga Santong pumunta na dito. Napakalaki at malinis din ang simbahang ito. Sa bandang likod ay        makikita ang mga libingan. Sunod naman naming pinuntahan ay ang San Fernando Chuch na matatagpuan sa San Fernando Pampanga. Dito matatagpuan ang istatwa ni Mon. Cesar Ma. Guerrero na naging unang bishop at dito rin siya ipinanganak. Sabi rin ng isang miyembro sa simbahan ay ito ay itinayo ng mga Augustinian Friars at gawa pa ito sa wood. Pagkatapos ay pumunta kami sa kamag anak ni Marian Ballano upang magtanong tungkol sa history ng Pampanga, ang tirahan ni Diosdado, ang mga masasarap na pagkain, at naging epekto ng pagputok ng Mt. Arayat sa mga tanyag na lugar dito sa Pampanga. Kaya sunod na naming pinuntahan ang dating bahay ng pangulo ng Pilipinas na si Diosdado Macapagal. Ito ay matatgpuan sa Lubao, Pampanga. Ang kanyang bahay ay gawa lamang sa kawayan at pawid. Maliit lamang ito at mukhang bahay-kubo. Andun din sa likod ng kanyang dating bahay ang museo ng kanyang sarili. Matatagpuan dito ang kasaysayan ni Diosdado Macapagal nung siya ay isang mahirap  na naging pangulo ng ating bansa. Matatagpuan din dito ang replica ng kanyang opisina, mga libraries, at puno ng istorya ng kanyang buhay. Sunod  na aming pinuntahan ay ang Nayong Pilipino na puno ng magagandang tanawin kasama na ang mga istatwa ng mga legendaryong panimula ng Pilipinas, mga ating ninuno na kung paano sila namumuhay ng mga panahong iyon. Marami rin ditong panilihan ng mga gamit tulad ng pana sumbrero, tirador, wallet, keychain na talaga namang nakatutlong sa kalikasan ang kanilang materyales. Huli naman naming pinuntahan ang Sta. Monica Parish Church. Ito ay matatagpuan sa Minalin, Pampanga. Maganda and istorya tungkol sa simbahang ito. Sabi ng isang pari dito na madalas daw itong bahain kaya nasira ito at muling ipinatayo noong 1854. Nang aming napansin na sa likod ng altar ay puno ng mga paniki na nakasabit. At ang nakakamangha ay gawa ito sa bricks na pinagdikit lamang ng tinatawag na egg yolks. Natanaw din namin ang Mt. Arayat mula sa malayo habang kami ay naglalakbay. Talaga namang napakagandang pagmasdan ang mga magagandang tanawin sa Pampanga dahil puno ito ng magaganda at nakakamanghang istorya. Tiyak na di kayo magsisisi sa pagpunta at sulit ang inyong mga pera.  Kaya halina't magsaya sa Pampanga!




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento